Danica Sotto ibinida buhay probinsya kasama si Marc Pingris

Natahimik ang mga 'Marites' sa social media matapos i-post ni Danica Sotto ang ilang kaganapan sa paggunita niya ng Easter Sunday kasama ang mga anak at ang asawang si Marc Pingris.

Natahimik ang mga ‘Marites’ sa social media matapos i-post ni Danica Sotto ang ilang kaganapan sa paggunita niya ng Easter Sunday kasama ang mga anak at ang asawang si Marc Pingris.

Sa ilang mga larawan sa kanyang Instagram post ay ibinalandra ni Danica na magkasama sila ni Marc nitong nagdaang Holy Week.

“Happy Resurrection Sunday!” saad ni Danica sa caption.

Noong Sabado naman, si Marc ang nagbahagi sa kanyang IG story ng bonding nila ng kanyang pamilya sa isang beach.

Ang mga post ng mag-asawa ang siyang resbak nila sa ilang Marites sa social media na nagpakalat ng tsismis na kabit ni Marc ang aktres na si Kim Rodriguez.

Naglabas na ng pahayag sina Marc at Kim upang itanggi ang kumakalat na tsismis.