Dami nun! Gerald okay makatrabaho mga naging ex

Okay lang daw kay "Budoy" actor Gerald Anderson na makasama ang dating mga naging nobya sa mga teleserye o pelikula.

Okay lang daw kay “Budoy” actor Gerald Anderson na makasama ang dating mga naging nobya sa mga teleserye o pelikula.

“Grabe naman. Of course. Sino ba naman ako para hindi,” sabi ni Gerald kay Karen Davila sa Youtube vlog nito.

Ilan sa mga kilalang ex-girlfriend ni Gerald ay sina Kim Chiu, Bea Alonzo, at Maja Salvador, pati ang mga na-link at “rumored” exes na sina Sarah Geronimo at Pia Wurtzbach.

Kasunod ito nang tanungin din si Gerald kung ano ang sey niya sa pagbabalik tambalan ng kasalukuyang girlfriend na si Julia Barretto at ex-jowa nitong si Joshua Garcia.

“It’s exciting,” aniya. “I’m not sure ilang years ago sila huling nagkasama, but I’ve been in that situation. Alam ko na marami silang mapapasaya na mga fans nila. They’re both great actors.”

Samantala, pag-amin ni Gerald ay handa na siyang lumagay sa tahimik kasama si Julia.