Dami ng reklamo! Senior citizens commission head, suspendido

Pinatawan ng 90-day preventive suspension ng Office of the President (OP) si National Commission of Senior Citizens Commissioner Reymar Mansilungan dahil sa iba't ibang reklamo.

Pinatawan ng 90-day preventive suspension ng Office of the President (OP) si National Commission of Senior Citizens Commissioner Reymar Mansilungan dahil sa iba’t ibang reklamo.

Ang suspensyon ay base sa mga reklamo nina Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes at Miguelito M. Garcia.

Kabilang sa mga reklamo kay Mansilungan ay serious dishonesty, gross neglect of duty, grave misconduct, gross insubordination, at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Binigyan siya ng OP ng 10 araw upang sumagot sa suspension order.

Nagsagawa ng preliminary investigation ang OP ukol sa mga reklamo laban kay Mansilungan at nabatid na may basehan ang mga paratang sa kanya.

Ilan pa sa mga reklamo laban sa Commissioner ay ang umano’y pagpeke nito sa kanyang educational attainment at pagtanggap ng public funds bilang bayad para sa pagpapa-upa sa isang opisina sa Lucena City.

Kinukuha rin umano ni Mansilungan ang kanyang mga personal na gastos sa pagkain at alak sa training fund ng Komisyon.