Damay na rin ang mag-aaral: Ibang mga LGU, eskwela, walang pasok sa dahil sa tigil-pasada ng mga tsuper

Nagpasya na ang ibang mga LGU at paaralan na suspindihin sa Lunes, Oktubre 16, dahil sa planong malawakang tigil-pasada ng pampublikong sasakyan.

Sinuspinde ng ilang mga local na pamahalaan at mga paaralan sa loob at labas ng Metro Manila ang face-to-face classes sa Lunes, Oktubre 16, dahil sa inaasahang malawakang tigil-pasada bilang protesta sa PUV Modernization Program, pati na rin ang malawakang korupsiyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Naglabas ng executive order ang Pampanga provincial office na nag-uutos na suspindihin ang in-person classes sa buong probinsya sa mula Oktubre 16 hanggang 17 upang paghandaan ang welga.

Sinabi ni Gov. Dennis Pineda na dapat ilipat sa online or modular ang mga learning modes sa panahong ito para hindi maapektuhan ang programa ng mga mag-aaral.

Sinuspide rin ng De La Salle University sa Maynila ang in-person classes sa Lunes, Oktubre 16 dahil sa transport strike.

Sa isang anunsyo na nai-post sa kanilang mga social media pages, sinabi ng DLSU na ililipat muna sa online ang trabaho at klase sa unibersidad.

Nag-anunsiyo na rin ang Sta. Rosa sa Laguna na suspendido na ang klase sa lahat ng antas sa Oktubre 16.