Dala rin kaya niya ‘yung baton niya? ‘Low budget Vin Diesel,’ pinatatawag na ng LTO

Ayon sa LTO, nananawagan sila sa may-ari ng Toyota Vios na may plakang NBX 3269 na makipagtulungan sa ahensya sa imbestigasyon nito. Binigyan siya ng LTO ng hanggang bukas, Enero 17, na magpakita sa tanggapan nito upang magpaliwanag.

Nagbaba na muli ng show cause order (SCO) ang Land Transportation Office (LTO) sa lalaking sangkot sa tatlong insidente nitong Enero lamang.

Una nang binabaan ng LTO ng SCO ang naturang drayber dahil una nitong insidente na nag-viral rin sa social media, kung saan hinarang niya ang isa pang sasakyan gamit ang kaniyang Toyota Vios. Ilang sandali pa ay bumaba na ito at kinompronta ang drayber ng hinarangang sasakyan.

BASAHIN RIN: Mga drayber sa mga nag-viral na insidente sa lansangan, pinatatawag na ng LTO

Nag-viral uli ang parehong lalaki, na binansagang “low budget Vin Diesel” ng ibang netizens, nang kumprontahin naman nito ang ibang drayber naman at ambahan ng baton.

Ayon sa LTO, nananawagan sila sa may-ari ng Toyota Vios na may plakang NBX 3269 na makipagtulungan sa ahensiya sa imbestigasyon nito. Binigyan siya ng LTO ng hanggang bukas, Enero 17, na magpakita sa tanggapan nito upang magpaliwanag.

BASAHIN RIN: Ingat kay ‘low budget Vin Diesel!’ 2 insidente ng road rage sa Fairview sa unang 2 linggo ng Enero, tampok ang 1 lalaki na maikli ang pisi

Kung hindi ito sisipot, mapipilitan ang ahensya na sampahan siya ng kasong obstruction of traffic at improper person to operate a motor vehicle batay sa ebidensyang meron ito.