Daig pa sundalo: Lalaki, tiklo dahil sa dami ng mga armas nito

Na-rekober sa suspek ang mga de-kalibreng armas gaya ng machine gun, assault rifle, at carbines, ayon sa mga pulis.

Arestado ang isang lalaki sa Makati na nahulihan na may iba’t ibang armas.

Na-rekober sa suspek, na kinilalang si Juanito Tanghal, ang mga de-kalibreng armas gaya ng machine gun, assault rifle, at carbines.

Ayon kay Major Gen. Jose Melencio Nartatez, hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), pinaiimbestigahan na niya si Tanghal upang agad matukoy kung may koneksyon ba ito sa mga sindikato o teroristang grupo.

“With the volume of loose firearms confiscated, an ongoing investigation is being conducted to verify if those firearms were used in terroristic activities, gun for hire, and other illegal activities,” saad ni Nartatez.

Dagdag pa niya, ang operasyon laban kay Tanghal noong Huwebes, Nobyembre 16, sa Barangay Olympia sa Makati City ay ikinasa matapos makatanggap ng mga intelligence report ang NCRPO na mayroon ngang high-powered firearms si Tanghal.

Sinubukan pa niyang tumakas, subalit nasakote rin naman agad ito.