Dahil sa pagwawala, Rendon, Rosmar pinapadeklarang persona non-grata sa Coron

Idideklarang persona non-grata ng Sangguniang Bayan ng Coron, Palawan ang mga social media influencers na sina Rendon Labador at Rosemarie Tan Pamulaklakin o mas kilala bilang Rosmar.

Idideklarang persona non-grata ng Sangguniang Bayan ng Coron, Palawan ang mga social media influencers na sina Rendon Labador at Rosemarie Tan Pamulaklakin o mas kilala bilang Rosmar.

Ito ay matapos mag-viral sa social media ang video ng pagwawala ni Labarador at Rosmar at sigaw-sigawan ang babaeng si Jho Cayabyab Trinidad na empleyado ng Office of the Vice Mayor ng Coron.

Sa Facebook post ni Juan Patricio Eyes, sinabi nitong ihahain ang resolusyon sa susunod na regular session.

Ayon sa resolusyon, pangbabastos ang ginawa nina Labador at Rosmar.

“Whereas, the actions of Labador and Rosmar led to a significant disruption of public order, incited conflict and contributing to unrest and dissatisfaction among the residents of Coron, undermining the peace and order of the community,” saad ng resolusyon.

“Whereas, the Sangguniang Bayan of Coron, Palawan, in the exercise of its legislative powers, deems it necessary to declare Rendon Labador and Rosmar as persona non-grata to dafeguard the community from further disrespectful and disruptive behavior,” saad ng resolusyon.

Nababahala ang Sangguniang Bayan na ang naging aksyon ng mga social media influencers ay makaaapekto sa turismo at locale morale ng mga taga Coron.

Base sa video sa Tiktok, dinuduro ni Labador ang babae at sinabihang “Pumunta kami dito para tumulong at i-promote yung Coron kapal naman ng mukha mo tumutulong na kami. Sino ba pinagmamalaki nito? Bakit pinapayagan nyo yung mga gantong staff ng munisipyo?”