Dahil sa pagpatay kay Killua: Pagrepaso sa Animal Welfare Act tutukan na! – solon

Umaasa si Camarines Sur 2nd district Rep. LRay Villafuerte na ang pagpatay sa asong si 'Killua' ang pupukaw ng pansin sa mga kapwa niya mambabatas upang ipasa na ang panukalang pagprepaso sa Animal Welfare Act.

Umaasa si Camarines Sur 2nd district Rep. LRay Villafuerte na ang pagpatay sa asong si ‘Killua’ ang pupukaw ng pansin sa mga kapwa niya mambabatas upang ipasa na ang panukalang pagprepaso sa Animal Welfare Act.

Ani Villafuerte, pinakita lamang ng insidente kay Killua na dumarami na ang mga Pilipinong may pakialam sa karapatan ng mga hayop.

Kaya naman, napapanahon umano na ipasa na ang House Bill 6059 na magaamyenda sa Animal Welfare Act.

“We are hoping that Killua’s senseless death in the hands of its owners’ neighbor would be a wake-up call for the members of both the House of Representatives and the Senate to act on proposed amendatory laws meant to tone up the 26-year-old Animal Welfare Act by establishing a better system of state supervision and regulation for dealing with animals; enhancing public awareness of responsible pet ownership through education and information dissemination; and strengthening interagency, multi-sectoral and local-government cooperation for promoting good animal welfare,” saad ni Villafuerte.

Sa panukalang itinutulak ng mambabatas, itatayo ang Animal Welfare Bureau sa ilalim ng Department of Agriculture upang tutukan ang mga kaso ng pag-abuso sa karapatan ng mga hayop.

Bukod dito, hihigpitan din ang parusa sa mga mapapatunayang nang-aabuso ng mga hayop.