Dahil sa pagkalat ng pertussis: DOH nagpaalala magsuot ng facemask

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) na magsuot ng facemask sa ilang lugar ng Pilipinas dahil sa pagkalat ng pertussis.

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) na magsuot ng facemask sa ilang lugar ng Pilipinas dahil sa pagkalat ng pertussis.

Paglilinaw ni Health Assistant Secretary Albert Domingo, ang pagsusuot ng facemask ay opsyonal lang at boluntaryo.

“We would rather that we say it as highly encouraged and voluntary. And we are seeing our population na ‘pag sinabing voluntary, talagang gumagawa sila ng effort,” pahayag ni Domingo.

Sinabi ni Domingo na ang pagsusuot ng face mask ay hindi lamang nakakaiwas sa pagkalat ng pertussis at iba pang mga sakit, kundi pati na rin nagpoprotekta sa publiko.

Payo rin ng DOH sa publiko, maghugas ng kamay, magdala ng alcohol, kumain nang masustansya, at kumuha ng sapat na tulog upang palakasin ang immune system.