Dahil sa mangga? Lalaki patay matapos saksakin ng kapitbahay

Patay ang isang lalaki sa Binangonan, Rizal matapos paulit-ulit na saksakin ng kanyang kapitbahay na nag-ugat umano dahil sa nakawan ng mangga.

Patay ang isang lalaki sa Binangonan, Rizal matapos paulit-ulit na saksakin ng kanyang kapitbahay na nag-ugat umano dahil sa nakawan ng mangga.

Kinilala ang biktima na si Mauro Lopez, 56 taong gulang, habang ang kapitbahay at ang suspek ay si Roberto Scott na umiskapo sa crime scene gamit ang kanyang motor.

Ayon kay Binangonan Police chief Lt. Col Evangeline Santos, paulit-ulit na nagnanakaw ng bunga ng mangga ang anak ng suspek sa taniman ng biktima na matagal nang ibinebenta ng mag-ama.

“‘Yun po yung ikinagalit nung kanyang asawa na humantong po sa confrontation nung una and then ito pong nangyari yung insidente ay inabangan na po yung biktima at doon na po pinagsasaksak nung ating suspek,” sabi ni Santos.

Kasalukuyang tinutugis ng kapulisan si Scott na sasampahan ng kasong murder.