Dahil hi-tech na ang mga kawatan: Mas pinaigting na kampanya laban sa cybercrime, tiniyak ng PNP

Ayon sa hepe ng PNP, mas lumakas na ang kapasidad ng Anti-Cybercrime Group na labanan ang mga cybercrime dahil sa patunoy na mga pagsasanay at pagbili nito ng mga modernong kagamitan.

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda ang lahat ng police regional office ng sa buong bansa na palakasin ang kampanya kontra mga cybercrime.

“So, part of our 2024 plans, looking forward is to intensify the capability enhancement of the police in addressing this aspect of criminality. In dissecting our crime statistics, although the crime volume went down, we noticed that the cybercrimes or crimes on the internet like scamming, are still there,” saad ni Acorda sa isang panayam sa radyo.

Aniya, mas lumakas na ang kapasidad ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) na labanan ang mga cybercrime dahil sa patunoy na mga pagsasanay at pagbili nito ng mga modernong kagamitan.

BASAHIN RIN: Hi-tech na ang krimen ngayon: Bilang ng cybercrime, mas mataas ng 400% kumpara nakaraang taon

Gayunpaman, aminado rin si Acorda na kailangan pang pag-igtingin at palawakin ng PNP ang mga kapasidad nito kontra cybercrime upang magtiwala ang publiko.

“While we do aggressive police operations, we want it done honestly and another one is integrity enhancement to really get the support of the people,” aniya.

Sa unang walong buwan ng 2023, umabot sa 16,297 cybercrime ang inimbestigahan ng PNP-ACG, na nagresulta naman sa pag-aresto ng 397 at pagsagip sa 4,092 biktima.