Dagdag tulong ‘yan: Mga magsasaka, hindi na kailangan ng resibo—BIR

Ayon sa Bureau of Internal Revenue na exempted na sa pagbibigay ng resibo ang mga malilit na magsasaka na hindi sosobra sa P1 milyon ang kita sa isang taon.

Inanunsyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ngayong Lunes, Oktubre 9, exempted na sa pagbibigay ng resibo ang mga malilit na magsasaka.

Sa isang pahayag ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., sinabi niyang sakop ng exemption ang mga magsasaka na ang kabuuang benta ay hindi lalagpas sa P1 milyon sa loob ng isang taon, alinsunod sa Revenue Regulation No. 12-2023.

Ang exemption aniya ay para sa “mga indibidwal na mga supplier,producer, mga nagbebenta, contract growers at miller ng mga produktong pang-agrikultura.”

“Small farmers do not need to issue receipts. The BIR will do its part in making the lives of our farmers easier. The BIR will only require receipts if their annual gross sales/receipts exceed 1 million,” paglilinaw ni Lumagui.

Tinanggal rin ng BIR ang mga requirement ng principal at supplementary gross sales/resibo para sa pagbebenta ng mga produktong pang-agrikultura ng mga maliliit na magsasaka