Dagdag problema ni Quiboloy: House panel pinababasura prangkisa ng SMNI

Mapahinto kaya ng umano'y 'appointed Son of God; na si Pastor Apollo Quiboloy ang pagbawi sa prangkisa ng SMNI?

Mapahinto kaya ng umano’y ‘appointed Son of God; na si Pastor Apollo Quiboloy ang pagbawi sa prangkisa ng SMNI?

Ito’y matapos na lumusot na sa House committee on legislative franchises ang House Bill No. 9710 ngayong Martes, March 12.

Sa naturang panukala ni 1-Rider party-list Representative Ramon Rodrigo Gutierrez, pinare-revoke o pinababawi na ang prangkisa ng naturang network na pinaniniwalaang pagmamay-ari ni Quiboloy.

Ang committee report kung saan laman din ang naturang House bill ay pasado rin sa House committee.

Nag-ugat ang hakbang na i-revoke ang prangkisa ng SMNI dahil sa ilang nakitang paglabag ng naturang media network.

Kasama rito ang umano’y pagpapakalat ng false information ng SMNI.