Dagdag-pasahe sa eroplano, nakaamba sa Marso

Inaasahang magmamahal ang pamasahe sa eroplano sa susunod na buwan matapos itaas ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang fuel surcharge level sa bansa.

Inaasahang magmamahal ang pamasahe sa eroplano sa susunod na buwan matapos itaas ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang fuel surcharge level sa bansa.

Mula Level 5 ngayong Pebrero, ang fuel surcharge level ay sisipa sa Level 6 pagsapit ng Marso.

Sa Level 6, ang fuel surcharge sa mga domestic flight ay nagkakahalaga ng mula P185 hanggang P665. Samantala, aabot naman ito ng mula P610.37 hanggang P4,538.40 sa mga byahe palabas ng Pilipinas.

Ang fuel surcharge ay halaga na sinisingil ng mga airline company upang mabawi nito ang gastos sa gasolina. Ito ay idinadagdag sa base fare ng mga pasahero.