Dagdag diskwento sa Senior, PWD inapubrahan ng Kamara

Inaprubahan ng House ways and means panel ang panukalangang batas na nagbibigay ng karagdagang diskuwento sa mga senior citizen at sa persons with disabilities (PWD).

Inaprubahan ng House ways and means panel ang panukalangang batas na nagbibigay ng karagdagang diskuwento sa mga senior citizen at sa persons with disabilities (PWD).

Sa ilalim ng House Bills 10061 at 10062, mayroong 20 porsyento na diskuwento ang mga senior at PWD, at hindi na kailangang magbayad ng VAT, pati na rin sa mga iba pang diskuwento tulad ng sa parking, konsumo ng kuryente, labor expense, at goverment training programs.

Ayon kay Albay 2nd District congressman Joey Salceda, layunin ng panukalang batas na ito na tiyakin na ang pagbibigay ng benepisyo sa mga PWD at senior citizen ay mananatili bilang responsibilidad ng pamahalaan at ng buong lipunan.

“I congratulate my co-chairs, Representatives Rodolfo Ordanes and Alfel Bascug, for the very productive discussions,” ani Salceda.

“If something is available to the general public, then by definition, it is not a privilege. The point is to ensure that the preferential treatment of PWDs and senior citizens, as a shared responsibility of government and society at large, is preserved,” dagdag nito.

Nag-ugat ang hakbang na ito matapos ang imbestigasyon ng panel sa Starbucks Coffee na naglimita ng diskuwento para sa mga senior at PWD sa isang inumin at isang pagkain lamang.