Dagdag-benepisyo sa mga daycare worker, hiniling sa Kamara

Itinutulak ni Bicol Saro Party-list Rep. Brian Yamsuan ang isang panukalang batas na naglalayong bigyan ng karagdagang benepisyo ang mga nagtatrabaho sa mga daycare center.

Itinutulak ni Bicol Saro Party-list Rep. Brian Yamsuan ang isang panukalang batas na naglalayong bigyan ng karagdagang benepisyo ang mga nagtatrabaho sa mga daycare center.

Sa kanyang panukala, ang mga nagtatrabaho sa mga pampublikong daycare center ay tatanggap ng P5,000 kada taon bilang allowance sa kanilang teaching supply. Bukod pa rito, nais din ni Yamsuan na sumailalim sa skills traning ang mga daycare worker.

“Workers in government DCCs (government daycare center) and CDCs (child development center) serve dual roles of being second parents and educators to children in their formative years. They encourage kids to learn and be creative, teach them how to interact with others, and even help with their mealtimes and nap times,” saad ni Yamsuan.

“Unfortunately, they have to make do with low pay and lack of financial support for the expenses they need to carry out these immense responsibilities,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan, ang mga daycare worker ay may natatanggap na P500 kada buwan mula sa Department of Social Welfare and Development. Samantala, ang mga LGU ay nagbibigay rin ng honorarium na P1,000.

Bukod pa rito, karamihan sa mga nagtatrabaho sa mga daycare center ay hindi permanente at ang iba ay boluntaryo lamang.