Daga sa NAIA, umabot na sa New York Post!

Laman na naman ang Pilipinas ng balita sa ibang bansa dahil sa kakaibang rason.

Laman na naman ang Pilipinas ng balita sa ibang bansa dahil sa kakaibang rason.

‘Yan ay matapos ibahagi ng New York Post ang viral video kung saan makikitang may dagang umaaligid sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Sa post ng New York-based media, tinawag na ‘world’s worst airport ang NAIA.

Kasama rin sa report ng New York Post ang tungkol sa pinag-usapan din na surot o bedbugs na nakakagat ng dalawang pasahero sa naturang airport.

“It’s no wonder tha airport was ranked last for business-class travelers in a 2022 survey,” batay sa report ng New York Post.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Eric Ines, kanilang rerebyuhin ang kanilang kontrata sa pest control service providers sa NAIA para malaman kung may kapabayaan na nangyari dahilan para sumulpot ang surot at daga sa airport.