Daanin na sa mabuting usapan! Negosasyon sa Pilipinas-Kuwait, muling bubuksan dahil kay PBBM—DFA

Ipinakita ng mga lider sa kanilang pulong habang ginaganap ang ASEAN-GCC Summit sa Riyadh ang kagustuhan nilang repasuhin ang mga isyu sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Pinasalamatan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Kuwaiti Crown Prince Sheikh Meshal noong Biyernes, Oktubre 20, sa kanyang inisyatibong buksan muli ang negosasyon para ayusin ang ugnayan ng Pilipinas at Kuwait sa pamamagitan ng pulong ng mga foreign ministers nito, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sesentro ang pulong ng mga ministro sa pahayag ng Pangulong Marcos tungkol sa kahalagahan ng kapakanan at proteksyon sa mga Karapatan ng mga OFW.

Ayon sa DFA, ipinakita ng mga lider sa kanilang pulong habang ginaganap ang ASEAN-GCC Summit sa Riyadh ang kagustuhan nilang repasuhin ang mga isyu.

Mismo ang Kuwaiti Crown Prince na humiling na makausap ang Pangulong Marcos matapos ang summit, kung saan sinabi ng prinsipe nan ais ng kanyang bansa na muling makipagugnayan sa Pilipinas.

Humingi ng tawad ang Kuwaiti Crown Prince para sa makitid na pag-iisip ng ibang opisyal ng kanyang bansa na nagdulot ng pagkasira sa negosasyon sa dalawang bansa noong Mayo.

Sinabi pa ni Sheikh Meshal na mataas ang kanyang respeto sa Pilipinas at sa ama ni Pangulo na si Ferdinand E. Marcos Sr., na dating nagpadala ng tulong sa Kuwait.

Para naman sa Pangulong Marcos, itinuring niyang malaking development ang pagresolba sa isyu ng bansa sa Kuwait.