Da who?! Politiko sa Davao nahuling nagnakaw

Hindi umano pinalampas ng isang politiko mula sa Davao ang magnakaw ng payong sa isang restaurant sa Manila.

Hindi umano pinalampas ng isang politiko mula sa Davao ang magnakaw ng payong sa isang restaurant sa Manila.

Kwento ni Julie Maus, isang French vlogger sa Manila, sa kanyang TikTok account na isang kilalang Davao politician daw na kasalukuyang nasa office ang kumuha ng kanilang payong habang nagdi-dinner sa isang restaurant sa Manila.

“We sit down for dinner and we notice that there’s a family somewhere behind us that’s kinda giving us bad vibes but I’m not here to judge their table manners,” saad ni Julie sa kanyang TikTok na may 38,000 followers.

Dagdag niya, laking gulat daw nila na pagkatapos kumain at lumabas ay gamit na raw ng nasabing politiko ang kanilang payong.

Dali-dali naman daw itong pinuntahan ng kanyang asawa ngunit pinigilan sila ng staff ng restaurant, na siya namang lumabas upang kunin at ibalik ang kanilang payong.

“Now the individual and his family is a politician from Davao who’s currently in office. But because I don’t wanna get sued or disappeared, I will not tell tell you his name,” sabi ni Julie.