DA susulusyunan krisis sa luya

Nangangailangan ng puspusang aksyon ang Department of Agriculture (DA) upang tugunan ang matinding kakulangan sa supply ng ginger na naging dahilan ng patuloy na pagtaas ng presyo nito.

Nangangailangan ng puspusang aksyon ang Department of Agriculture (DA) upang tugunan ang matinding kakulangan sa supply ng ginger na naging dahilan ng patuloy na pagtaas ng presyo nito.

Ayon kay DA Undersecretary Ching Caballero, ang lokal na demand sa ginger ay humigit-kumulang 130,000 metric tons pero ang naaangkop lang na local production ay nasa 2% lamang.

“We are still monitoring ano volume na ginagamit for household consumption and number two, for processing because we also have to plan also for the processing requirements. So nagsagawa ngayon ng supply as for household or for processing. So the spike in pricing shows there is tight supply availability as of the moment,” ani Caballero.

Ayon sa pinakabagong monitoring ng DA, umabot na ngayon sa P280 kada kilo ang presyo ng ginger sa ilang palengke sa Metro Manila. Nakarating pa ito ng P300 kada kilo nitong nakaraang dalawang linggo.

Upang matugunan ang kakulangan, sinisiyasat na ng DA ang iba pang mga lugar malapit sa Metro Manila na maaaring may available na supply.

“We are monitoring now kung saan mga areas na meron pang supply na availability so we can bring in through the Kadiwa system,” wika ni Caballero.

Samantala, para maiwasan ang problema sa hinaharap, isinusulong ng DA ang pagpapalaki ng produksyon ng ginger sa iba pang mga lugar.

Gayunpaman, may ilang hamon sa logistics tulad ng Region 4B na nangangailangan ng inter-island transport, ngunit sinisikap ng DA na matugunan ito ng mas angkop na sistema.