DA sinusulong pinaraming Kadiwa store sa Bicol

Hinihimok ng Department of Agriculture-Bicol (DA-5) ang mga local government unit sa rehiyon na magtayo ng mas marami pang Kadiwa store.

Hinihimok ng Department of Agriculture-Bicol (DA-5) ang mga local government unit sa rehiyon na magtayo ng mas marami pang Kadiwa store.

Ayon kay DA-5 spokesperson Lovella Guarin, ang kanilang ahensya ay nakikipag-usap na sa iba’t ibang provincial government unit para mas madaming mapagbentahan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng Kadiwa.

“The Kadiwa stores not only provide healthy and affordable products to our consumers but also provide additional income to our farmers. They are able to promote their products and ensure food supply in the locality,” ayon kay Guarin.

Aniya, kada-15 at 30 ng buwan ay nagkakaroon ng Kadiwa store sa kalakhang Bicol.

Ilan sa mga Kadiwa store na naka-set up sa rehiyon ay makikita sa Camalig, Albay; Pili at Libmanan, Camarines Sur; Vinzons at Sta. Elena, Camarines Norte; Sorsogon; at Masbate.