DA Secretary hahawakan ulit NFA

Balik na tagapangasiwa ng National Food Authority (NFA) si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Balik na tagapangasiwa ng National Food Authority (NFA) si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Ito’y matapos na masuspinde ang dalawa pang opisyal ng NFA dahil sa pagbebenta ng buffer stock rice ng NFA.

Sa bagong preventive suspension order, kasama sa pansamantalang magpapahinga sa pwesto ay sina bagong talagang NFA Officer-in-Charge Piolito Santos at Department Manager for Operation and Coordination Jonathan Yazon.

Itinalaga naman ni Laurel si Director IV Larry Lacson bilang officer in charge deputy administrator ng NFA.

Sa kabila ng mga issue na kinasasangkutan ng NFA, siniguro ni Laurel na patuloy ang serbisyo ng ahensya.

“We want to help NFA employees during these challenging times to continue to provide uninterrupted service, especially during this harvest season,” ayon kay Laurel.