DA: Presyo ng palay, bigas, bababa simula ngayong Setyembre pagpasok ng anihan

Inaasahan ng sa Department of Agriculture (DA) na magiging stable ang presyo ng palay at bigas pagpasok ng anihan ngayong Setyembre at Oktubre.

Magiging stable ang presyo ng palay at bigas kapag nagsimula na ang anihan ngayon buwan, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Tinatayang aabot sa limang milyon metriko tonelada (MMT) ang aanihing palay ngayong Setyembre at Oktubre, ayon sa ahensya.

“In all, for the second semester, or July to December, we estimate to produce more than 11 million metric tons, and barring strong typhoons in the remaining months of the year, we hope to hit the 20-million MT level for 2023 national palay output,” ayon sa ulat ni Agriculture Undersecretary for Rice Industry Development Leo Sebastian kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Manggagaling sa mga susunod na lalawigan ang karamihan sa 2.3 MMT na palay na aanihin ngayon Setyembre: Isabela, Cagayan, Iloilo, Nueva Ecija, North Cotabato, Leyte, Oriental Mindoro, Camarines Sur, Palawan, Bukidnon, Zamboanga del Sur, and Davao del Norte.

Samantala, sa mga susunod naman na lalawigan inaasahan manggagaling ang tinatayang 2.9 MMT na palay sa Oktubre: Nueva Ecija, Pangasinan, Tarlac, Isabela, Occidental Mindoro, Cagayan, Oriental Mindoro, Palawan, Bulacan, Iloilo, Bukidnon, Agusan del Sur, Ilocos Sur, Leyte, and Camarines Sur.

Para sa 2023-2024 dry season, patuloy pa rin mamamahagi ang DA sa mga clustered na magsasaka ang mga kinakailangan nilang binhi, abono, makinarya, at kaukulang supporta, ayon kay Sebastian.

“Initially, we will focus on fully irrigated clustered farms to optimize palay yield, where farmers would plant high-yielding hybrid rice varieties, to at least one million hectares (ha), and we expect them to produce an average of six to eight MT per hectare, for a total of 6 to 8 MMT,” ayon kay Sebastian.