DA: Pinsala sa agrikultura dahil sa El Niño umabot na sa P6B

Umabot na sa P6 bilyon ang pinsalang dala ng El Niño sa agrikultura, sinabi ng Department of Agriculture (DA).

Umabot na sa P6 bilyon ang pinsalang dala ng El Niño sa agrikultura, sinabi ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay DA spokesperson Arnel de Mesa, inaasahang nasa 120,000 ektaryang pananim ang mapipinsala.

Subalit mas mababa umano ang bilang ngayon na nasa 60,000 ektarya.

Sinabi ni De Mesa na ang kaunting pinsala sa agrikultura ay dahil din sa mga paghahanda na ginawa ng gobyerno at iba pang sektor.

Samantala, ang MIMAROPA Region ang pinakamalaking naapektuhan ng El Niño kung saan ang pinsala nito ay sa umabot sa P1.7 bilyon, sinundan ng Western Visayas na may P1.5 bilyon, at ang Cordillera Administrative Region na may halos P800 bilyon na pinsala.