DA pinamudmod P1.08-B ayuda sa mga tinamaan ng El Niño

Tinatayang pumalo sa P1.08 bilyon ang tulong na ibinahagi ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasakang lubhang naapektuhan ng El Niño sa iba't-ibang bahagi ng bansa.

Tinatayang pumalo sa P1.08 bilyon ang tulong na ibinahagi ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasakang lubhang naapektuhan ng El Niño sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa ulat ng Disaster Risk Reduction and Management Operations Center ng DA, P1.06 bilyon mula sa nabanggit na halaga ang ginamit para sa tulong-pinansyal ng mga magsasaka sa Cagayan Valley at Region IV-B.

Samantala, P17.65 milyon na halaga ng iba’t-ibang klase ng binhi at pampataba ang ipinamahagi ng ahensya sa Ilocos Region at Western Visayas.

“The Department provided hybrid rice seeds worth PHP7.87 million and fertilizers worth PHP7.63 million to non-vulnerable areas in Western Visayas, and corn seeds worth PHP1.16 million in Ilocos Region for maximization of production to compensate for incurred losses,” saad ng ahensya.

Bukod sa tulong-pinansyal, inalalayan din ng DA ang mga apektadong magsasaka sa pamamagitan ng cloudseeding at pamamahagi ng mga water pump.

Tinatayang mahigit 54,000 ang mga magsasakang apektado ng El Niño sa buong bansa. Nasa P2.64 bilyon naman ang kabuuang halaga ng pinsalang idinulot ng tagtuyot.