DA: P900-M pinsala sa agrikultura dulot ni ‘Goring’

Aabot na sa P900 milyon ang halaga ng pinsala sa buong sektor ng agrikultura dulot ng Bagyong Goring, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Aabot na sa P900 milyon ang halaga ng pinsala sa buong sektor ng agrikultura dulot ng Bagyong Goring, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sa kalatas ng DA Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, umabot na sa P898.4 milyon ang pinsala na naitala ng Sabado, Setyembre 2.

“The increase is due to the updated reports from Cagayan Valley and Western Visayas,” paliwanag ng DA.

Naapektuhan at napinsala ni Goring ang 24,979 na magsasaka sa 34,979 ektarya ng lupang sakahan. Katubas ito ng 39,011 metriko tonelada (MT) ng nawalang produksyon.

Lubhang apektado pa rin ang produksyon ng palay, mais, high-value crops, alagang hayop at manok, ayon sa kagawaran.

Palay pa rin ang pangunahing napinsala ng bagyo na may halaga naP751.1 milyon. Katumbas ito ng 29,337 MT na produksyo sa nasalantang 29,255 ektaryang lupa.

Sumunod naman ang mais na umabot P139.2 milyon na halaga ng nasira pananim. KAtumbas ito ng 9,466 MT na produksyon sa 5,693 ektaryang lupa na nasalanta.

Umabot naman sa P5.5 milyon ang halaga ng nasirang high-value crops na may 207 MT na bilang sa 31 ektaryang lupa.

Samantala, naitala sa P2.3 milyon ang mga napinsala na alagang hayop at manok. Katumbas ito ng 916 ulo ng baka, kalabaw, kambing, manok, baboy, tupa at bibe.

“The DA, through its RFOs (regional field offices), is conducting assessments of damage and losses brought by ‘Goring’ in the agriculture and fishery sectors,” ayon sa kagawaran.

Dagdag pa ng ahensya, namamahagi na sila ng iba’t ibang tulong para sa mga apektadong magsasaka. Ito ang mga sumusunod:
-P100 milyong halaga ng binhi ng palay, mais at iba’t ibang mga gulay
-gamot at bitamina para sa livestock at poultry
-Access sa Survival and Recovery (SURE) Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC) na may mahihiram na aabot sa P25,000. Mababayaran ito sa loob ng tatlong taon na walang interes.
-Quick Response Fund (QRF) sa mga nasirang lugar.