DA official: Masusing pinag-aralan ang EO No. 39 bago ipinatupad ang takdang presyo sa bigas

Matagal na pinagaralan ng gobyerno ang estado ng presyo ng bigas bago ito nagrekomenda kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpatupad ng takdang presyo

Hindi inapura ng gobyerno ang pagpapatupad ang Executive Order No 39, ang pagtatakda sa price ceiling ng bigas, at sumailalim ito sa masusing pag-aaral, ayon sa opisyal ng Department of Agriculture (DA).

“This was analyzed and was based on the nationwide survey and monitoring of our rice program and of the regional field offices of the DA,” paliwanag ni Bureau of Plant Industry (BPI) director Gerald Glenn Panganiban. “We saw, based on the study of the value chain, what the appropriate price should be in the market.”

Isang attached agency ang BPI ng kagawaran.

Matagal nang nagmamasid ang mga tauhan ng kagawaran, at nag-iinspect ng mga warehouse kung saan natuklasan nilang may sapat na supply ng bigas sa bansa, giit ng opisyal.

Inaasahan ni Panganiban na magpapatuloy ang takdang presyo sa bigas hanggang maging stable ito.

“We will monitor prices weekly to see if there will be changes or if prices will stabilize, after which the DA and the Department of Trade and Industry (DTI) can recommend to lift the EO,” aniya.

Habang nagmamasid sa presyo ng bigas sa merkado, ipagpapatuloy ng DA ang pakikipag-ugnay sa mga retailer, trader, at importer. Pinapalakas na rin ng kagawaran ang credit facilities nito sa pamamagitan ng Agricultural Credit Policy Council.