DA naghahanda na sa pag-usbong ng pili milk

Inaasahan ng Department of Agriculture (DA) na lalago ang demand para sa pili dahil sa bagong produkto na pili milk.

Inaasahan ng Department of Agriculture (DA) na lalago ang demand para sa pili dahil sa bagong produkto na pili milk.

Ayon kay DA Bicol spokesperson Lovella Guarin, inilalatag na nila ang posibleng maitulong sa iba’t ibang kooperatiba ng mga magsasaka sa rehiyon.

Ito’y dahil sa posibilidad na ma-commercialize na ang pili milk, kung saan ang raw ingredient na pili ay tanging sa Bicol lang makukuha.

Aniya, handa ang DA na magpautang sa ilalim ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) at magbigay ng mga seedlings para sa mga interesadong magsasaka na magpatubo ng pili para gawing gatas.

Sa ngayon ay hindi pa available sa merkado ang pili milk. Ngunit nagkaroon na ng pag-aaral dito kung saan P1 million ang pinondo ng Bureau of Agricultural Research (BAR).

“The Pili Milk is not yet available to the general market, but with the launching and partnership with other government agencies and stakeholders, we are optimistic that sooner, it will be out as another source of vitamins and nutritional drinks,” ayon kay Guarin.