DA nagbabala: Tao maaring mahawa sa ‘Q fever’ ng kambing, baka, tupa

Nagbigay ng paalala ang Department of Agriculture (DA) na mag-ingat sapagkat naiulat na ang unang kaso ng Q fever sa Pilipinas.

Nagbigay ng paalala ang Department of Agriculture (DA) na mag-ingat sapagkat naiulat na ang unang kaso ng Q fever sa Pilipinas.

Ang Q fever ay sanhi ng bacteria na tinatawag na Coxiella burnetii.

Ito ay nagdadala ng impeksyon sa ilang hayop tulad ng kambing, baka, at pati na rin ng tupa.

Sinabi ng Bureau of Animal Industry (BAI), ang isang indibidwal ay maaaring mahawa kapag ito ay nakalanghap ng kontaminadong alikabok mula sa infected animal.

Dahil dito, ipinag-utos ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na simulan ang kung paano nakalusot ang may sakit na kambing na inangkat mula sa Estados Unidos.

Samantala, ang taong infected ng naturang bacteria ay maaaring makaranas ng panginginig, lagnat at pananakit ng kalamnan.