DA: Murang bigas para sa lahat malapit na ipatupad

Inihayag ng Department of Agriculture na malapit na ipatutupad ang 'Rice-for-All' program para sa publiko.

Inihayag ng Department of Agriculture na malapit na ipatutupad ang ‘Rice-for-All’ program para sa publiko.

Ito ay isang programa na nag-aalok ng murang bigas sa lahat ng Pilipino.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Genevieve Guevarra, ang naturang programa ay aabot sa halagang P45 hanggang P48 sa mga susunod na linggo.

“Our Rice-for-All program is in the works where rice will be sold at a cheaper price than the prevailing market prices,” ani Guevarra.

Aniya, sinuman ay pwedeng bumili ng bigas na walang limitasyon.

“This is for everyone, and not just for the vulnerable sector. So, anyone can buy and there is no limit. Although let’s say that if there are 25 sacks, they can purchase one sack,” dagdag nito.