DA kasado na sa pag-ayuda sa mga magsasaka sa Bicol

Plantsado na ang tulong ng Department of Agriculture (DA) para sa mga magsasaka sa Bicol Region na apektado ng matinding tagtuyot.

Plantsado na ang tulong ng Department of Agriculture (DA) para sa mga magsasaka sa Bicol Region na apektado ng matinding tagtuyot.

Ayon kay DA-Bicol spokesperson Lovalla Guarin, nagkakahalaga ng P22 milyon ang ayuda na ibabahagi nila sa bawat bayan sa rehiyon.

Ang naturang halaga ay ginamit sa pagbili ng 13,500 bags ng rice seed, 1,650 bags ng hybrid seed, 300 bag ng yellow corn seed, 5,000 pakete ng iba’t-ibang buto ng gulay at mga pataba.

Bukod sa mga nabanggit na binhi at pataba, bibigyan din ng cash assistance ang mga apektadong magsasaka.

Sa mga lalawigan ng Masbate, Sorsogon, Albay at Camarines Sur ay pumalo sa P353 milyon ang pinsala sa sektor ng agrikultura.