DA itinanggi pagkalat ng foot and mouth disease sa ‘Pinas

Itinanggi ng Department of Agriculture (DA) ang balitang mayroong kaso ng foot and mouth disease sa mga alagang hayop sa Pilipinas.

Itinanggi ng Department of Agriculture (DA) ang balitang mayroong kaso ng foot and mouth disease sa mga alagang hayop sa Pilipinas.

Ayon kay DA Assistant Secretary Dante Palabrica, handa umano ang ahensya sakaling magkaroon ng kompirmadong kaso ng naturang sakit.

“Right now, we have activated a system of reporting so that at the southern part of the country, mache-check natin ang pagpasok ng foot and mouth,” pahayag nito.

Aniya, inaasahang parating na ang bakuna para sa foot and mouth disease sa Hunyo, bilang isa sa mga paghahanda ng DA.

Samantala, nakapagtala na ang bansang India, Vietnam, Thailand, at Indonesia ng kaso ng foot and mouth disease.