DA inatasan ni PBBM na tiyakin na sapat ang supply ng basic goods

Base sa Task Force El Niño kailangan na maipatupad ang mga pamamaraan dahil sa “strong and mature El Niño” na maaaring maramdaman hanggang sa buwan ng Mayo.

Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang Department of Agriculture (DA) na siguruhin ang katatagan at sapat na supply ng basic commodities sa gitna ng inaasahang epekto ng El Niño phenomenon.

Sa press briefing, sinabi ni DA Undersecretary Roger Navarro na ang kautusan ay ipinarating ng Pangulo kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Tiniyak naman ng kagawaran na matutugunan ang kautusan kasabay ng pagtiyak na may sapat na supply ng basic commodities sa bansa.

Sa pagtaya ng PAGASA, mula sa 50 na lalawigan ay bumaba ito sa 41 direktang maaapektuhan ng El Niño.

Base sa Task Force El Niño kailangan na maipatupad ang mga pamamaraan dahil sa “strong and mature El Niño” na maaaring maramdaman hanggang sa buwan ng Mayo.

Kaugnay nito, sinabi ni Secretary Tiu Laurel na sapat ang supply ng pangunahing butil hanggang sa unang bahagi ng taon.

Inaasahan din ang matatag na presyo nito dahil bukot sa importasyon ay papalapit na ang harvest season sa buwan ng Marso at Abril.

“We have enough rice supply so prices should remain stable through the first half of the year. Our priority now is market stability,” ani Secretary Tiu Laurel.