DA-BFAR nagbabala sa pagkain ng shellfish

Pinag-iingat ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ang publiko sa pagkain dahil sa toxic red tide.

Pinag-iingat ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ang publiko sa pagkain dahil sa toxic red tide.

Ayon sa DA-BFAR at Department of Health (DOH), anim na lugar sa bansa ang nakapagtala ng toxic red tide.

Kabilang dito ang coastal waters ng Milagros sa Masbate; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City, Bohol; Dumanquillas Bay, Zamboanga del Sur; San Pedro Bay, Samar; Matarinao Bay, Eastern Samar; at sa coastal waters ng San Benito, Surigao del Norte.

Sinabi ng DOH, mas makabubuti kung iiwasan ang lahat ng uri ng shellfish, maging ang pagkain ng alamang.

Paalala ng DOH, agad na magpunta sa emergency room sakaling makaramdam ng pamamanhid ng paligid ng bibig o mukha; pagkahilo; pricking sensation o pagka-paralisa ng mga kamay at paa; panghihina ng katawan; mabilis na tibok ng pulso; hirap sa pagsasalita, paglunok at pagsasalita; at pananakit ng ulo matapos makakain ng mga shellfish.