Czech Republic, suportado ‘Pinas sa South China Sea issue

Nagpahayag ng pagsuporta ang Czech Republic sa Pilipinas pagdating sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Nagpahayag ng pagsuporta ang Czech Republic sa Pilipinas pagdating sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Sa naging pagpupulong ni President Ferdinand R. Marcos Jr. at Czech President Petr Pavel kahapon sa Prague, inihayag ng Czech leader ang pagsuporta ng kanyang bansa sa Pilipinas.

“I believe both countries have a lot to offer and there is a lot of space or room for cooperation. As to South China Sea we fully support the Philippines when it comes to their entitlement to free movement of goods and also very intense support because that’s a principle that, not only we all respect but, which also secures global and regional stability,” ani Pavel .

“And to us South China Sea may seem to be far, far away, but if you take into account the percentage of share of world or global trade passes through this area, any disruption of these routes would have an adverse impact on Europe, not only in the form of shortage of goods but also soaring prices, which is why we have to pay attention to this topic,” dagdag pa niya.

Samantala, sinabi ni Marcos na patuloy na makikipag-ugnayan ang Pilipinas sa mapayapang paraan upang maayos ang gusot sa kabila ng patuloy na agresibong aksyon ng China sa South China Sea.

Kasalukuyang nasa Prague si Marcos upang palakasin ang ugnayan ng Pilipinas at Czech Republic.