Cynthia Villar suportado pagpapadali ng importation process ng agri product

Sinuportahan ni Senator Cynthia Villar ang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na layong paluwagin ang proseso sa importasyon ng mga produktong pang-agrikultura.

Sinuportahan ni Senator Cynthia Villar ang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na layong paluwagin ang proseso sa importasyon ng mga produktong pang-agrikultura.

Kamakailan ay inilabas ng Pangulo ang Administrative Order No. 2 upang paiigtingin ang food security sa pamamagitan ng pagpapaluwag sa mga naturang proseso.

Ayon sa Senadora, dahil dito ay mas mura ng maipagbibili ang kanilang mga produkto.

“I’m very supportive kasi binasa ko yung kanyang order ile-lessen, parang padadaliin ang ease of importing…the paper work ng importation, mas madali that means mas hindi mahihirapan yung mga importer. So pag hindi nahirapan mas mura maipagbibili yung produkto nila,” pahayag ni Villar nitong Martes.

Dagdag pa ni Villar: “At the same time me order doon na tulungan yung ating mga farmers and fisherfolk na mas maka produce sila ng mas marami para lessen ang importation kasi ang prediction you will have less importation of rice this year compared to last year,” ani Villar.