Cynthia Villar gustong gisahin may pakana ng Chocolate Hills resort

Magkakakasa ng imbestigasyon si Senadora Cynthia Villar para maimbestigahan ng Senado ang nag-viral na resort sa Chocolate Hills.

Magkakakasa ng imbestigasyon si Senadora Cynthia Villar para maimbestigahan ng Senado ang nag-viral na resort sa Chocolate Hills.

Maghahain ng resolusyon si Villar bilang chairperson ng Senate Committee on Environment and Natural Resources para masilip kung papaano nakalusot ang tinayong resort sa Bohol.

“The Committee on Environment and Natural Resources will be filing a resolution to find out how this came about,” ayon kay Villar.

Matatandaan na naghain na rin ng resolusyon si Senadora Nancy Binay para rin mapagpaliwanag ang pamunuan ng Captain’s Peak Garden and Resort.

“Kung ang mga ahensya ng gobyerno na may tungkulin at responsibilidad na pangalagaan ang Chocolate Hills ay may pro-environment mindset, ang tanong po natin, bakit nakapagtayo ng resort at mayroon pang cottages at swimming pool sa isang ‘classified natural monument’ sa ilalim ng National Integrated Protected Areas System (NIPAS), at isang protected UNESCO geopark?” giit ni Binay.

Samantala, inanunsyo ng management ng resort na sila muna ay magsasara alinsunod sa temporary closure order na inilabas ng Department of Environment and Natural Resources.