Cynthia Villar awat na imbestigasyon na sa Chocolate Hills resort

Ititigil na sa Senado ang pag-iimbestiga sa kontrobersyal na naglipanang resort sa Chocolate Hills sa bohol.

Ititigil na sa Senado ang pag-iimbestiga sa kontrobersyal na naglipanang resort sa Chocolate Hills sa bohol.

Ayon kay Senadora Cynthia Villar, chairperson ng Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change, hindi na magkakaroon ng hearing tungkol sa naturang issue.

“Siguro isasara namin ‘yung hearing namin,” wika ni Villar.

Ito’y matapos na mailatag na ng Ombudsman ang preventive suspension sa ilang opisyal na dawit sa mga resort sa Chocolate Hills.

Kasama sa nasuspende ng anim na buwan ay si Bohol Governor Erico Aris Aumentado, pati ang ilang mayor, vice mayor, pulis at ilang opisyal ng mga government agency.

Hindi na rin itutuloy ng Senado ang balak na ocular visit sa naturang tourist spot.