CSC sinita MMDA: P200K reward ni Chavit Singson iligal!

Labag sa batas ang pagtanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa P200,000 reward na ibinigay ni Chavit Singson.

Labag sa batas ang pagtanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa P200,000 reward na ibinigay ni Chavit Singson.

Ayon ‘yan sa Civil Service Commission (CSC), na ipinunto ang nilalaman ng Section 7 ng Republic Act (RA) No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Sa naturang batas ay hindi pinapayagan ang mga public officials na tumanggap ng regalo o kahit anong may monetary value mula sa isang tao habang isinasagawa ang kanilang duty.

Saad ni CSC Commissioner Aileen Lizada, ang mga public officials ay hindi binibigyan ng reward dahil sa kanilang serbisyo.

“Bayad na kami, ang aming sweldo, ng taumbayan. You don’t have to reward us for doing our work,” ayon kay Lizada.

Kinuwestiyon din ni Lizada ang sinabi ni MMDA Chairperson Romando Artes na ilalagay nila sa general funds ng kanilang ahensya ang naturang pera.

“Kung maraming magva-violate ang magbibigay ng pera kasi hinuli sila at ilalagay sa General Fund, there will be now another source of money coming in na dapat ho hindi,” paliwanag ng CSC commissioner.

Matatandaan na ipinangako ni Singson ang reward nang mahuli ang kanyang convoy sa EDSA bus lane na mahigpit na pinagbabawal para sa mga pribadong sasakyan.