‘Crucial need’ ‘yan: Mga pampublikong paaralan, bigyan dapat ng libreng Wi-Fi—solon

Nalaman ng Senado ng 69% lamang sa halos 45,000 na pampublikong paaralan ang may Wi-Fi.

Hinimok ni Senador Grace Poe ang government regulators at mga telecommunications companies na magtulungan upang mabigyan ng libreng Wi-Fi ang mga pampublikong paaralan na wala pang sapat na kapasidad para dito.

Ito aniya ay dahil napakahalaga na ng internet connectivity sa mga mag-aaral ngayon.

“At a time when the education of our children relies on connectivity, access to the free internet is a crucial need that telcos can help provide,” saad ni Poe sa isang Senate deliberation na tinalakay ang panukalang budget para sa 2024.

“What to telcos could be a drop in the bucket can go a long mile for the efficient learning of our students,” dagdag pa niya.

Sa nasabing deliberation ay nalaman ng Senado ng 69% lamang sa halos 45,000 na pampublikong paaralan ang may Wi-Fi.

Dahil diyan ay gusto ni Poe na makipag-ugnayan ang Department of Information and Communications Technology at Department of Education sa mga telcos gaya ng PLDT, Converge, at Globe upang mabigyan ang mga paaralan ng Wi-Fi.