Cristy Fermin na-surprise sa kaso ni Dominic Roque!

Nagulat ang beteranang host at commentator na si Cristy Fermin matapos makatikim ng panibagong cyber libel case na mula naman sa aktor na si Dominic Roque.

Nagulat ang beteranang host at commentator na si Cristy Fermin matapos makatikim ng panibagong cyber libel case na mula naman sa aktor na si Dominic Roque.

Ayon sa panayam ni Fermin sa isang kilalang TV Station, nalaman niya lang na siya pala ay sinampahan na naman ng bagong kaso ng cyber libel. Aniya, di pa nga nagsisimula ang hearing ng sa pagitan nila ni Bea Alonzo.

“Hindi ko pa alam eh. ‘Yung kay Bea nga, hindi pa kami nag-sa-start, hindi pa namin nakukuha ‘yung subpoena. Karapatan naman nila ‘yan. Karapatan nila ‘yan basta tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari kapagka nagsagutan na, ‘di ba?” sabi ni Fermin.

“‘Yung kay Bea hindi pa nagsisimula eh. Wala pa, hindi pa namin natatanggap ‘yung subpoena. Hintayin ko na lang ‘yung subpoena nito. Magpapadala naman sila eh. Karapatan niya ‘yon, OK lang ‘yon,” dagdag pa ng host.

Naghain ang aktor at dating nobyo ni Bea Alonzo na si Dominic Roque ng kasong paninirang puri laban kay Fermin sa Office of the City Prosecutor sa Pasig City nitong Biyernes.

Laman ng cyber liber case ang mga reklamo ng aktor sa di umano’y “malicious statements and innuendos” kay Fermin sa kanyang programa sa Youtube na “Showbiz Now Na.”