Cristy Fermin kinasuhan ng ina ni Sarah Lahbati

Ibinunyag ni Cristy Fermin na siya at ang dalawa pa niyang co-host ay kinasuhan ng cyber libel ng ina ni Sarah Lahbati.

Ibinunyag ni Cristy Fermin na siya at ang dalawa pa niyang co-host ay kinasuhan ng cyber libel ng ina ni Sarah Lahbati.

Ito’y matapos pag-usapan ng mga netizen ang isang larawan na pinost ng magulang ng aktres na sila’y nasa harap ng opisina ng Department of Justice.

Ayon kay Cristy sa kanyang ‘Showbiz Now Na’ vlog, siya ang dahilan kung bakit nagtungo sa DOJ building ang mga magulang ni Sarah na sina Esther at Abdel.

“Tutal sa kanya na rin po nanggaling ang tungkol (sa larawan) ay kami na po ang kukumpirma, kami pong tatlo. Kami pong tatlo ang kinasuhan ng cyber libel at hindi na po kami magdedetalye kasi ang mga abogado po namin ang nakakaalam ng mga detalyeng ito,” wika ni Cristy.

Ang dalawa pang kinasuhan ng cyber libel ay sina Romel Chika at Wendel Alvarez, na kasamahan ni Cristy sa kanyang showbiz channel sa YouTube.

“Kami po ‘yun, huwag na po kayong manghula na baka may isinampa kay Richard Gutierrez, kami po ang sinampahan nila ng kasong cyber libel,” lahad pa ng showbiz columnist.

Hindi na idinetalye ni Fermin kung anong dahilan ng kaso ng mga magulang ni Sarah.