COVID-19 sa NCR nananatiling nasa low risk level

Sa kabila ng bahagyang pagtaas sa numero ng mga kaso, nananatili ang Metro Manila sa low risk level para sa COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa kabila ng bahagyang pagtaas sa numero ng mga kaso, nananatili ang Metro Manila sa low risk level para sa COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH, naitalang 877 bagong kaso ng COVID-19 sa NCR noong May 7 hanggang 13, 2024. Kumpara sa nakaraang linggo, ito ay 19% na pagtaas.

Bagama’t nananatili ang rehiyon sa low risk level, ipinahayag ng DOH na kailangang maging mapanuri ang lahat sa pagtaas ng mga kaso.

Nito lamag nagdaang Mayo 12, 11% o katumbas ng 119 na COVID-19 ICU beds ang okupado habang 13% ng non-ICU beds sa Metro Manila.

Patuloy na minomonitor ng pamahalaan ang sitwasyon kaugnay ng mga bagong variant ng COVID-19, tulad ng KP.2 at KP.3 na tinatawag ding “FLiRT” ng mga researchers.

Ayon sa World Health Organization (WHO), wala pang sapat na ebidensya na nagpapakita na may kaugnayan ang mga variant na ito sa mas malubhang sakit. Kailangan pa ng karagdagang pagsusuri upang matukoy ang kanilang kakayahang makahawa at makaiwas sa immune system.

Sa ngayon, sinabi ng DOH na walang siyentipikong batayan para magpataw ng travel restrictions sa anumang bansa dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases.

Binigyang-diin nila na ang boluntaryong paggamit ng face mask at pagsasagawa ng standard na pag-iingat tulad ng paghuhugas ng kamay, pag-iwas sa mga maramihang tao, at pagpili ng lugar na may mabuting bentilasyon ay mahalaga.

Dagdag ng ahensya na obligado pa rin ang mga doktor at health facilities na iulat ang tamang impormasyon sa mga kaso ng COVID-19 na nakuha gamit ang PCR o antigen upang makatulong sa pagdedesisyon ng pamahalaan.

Iginiit ng DOH na patuloy nilang minomonitor ang sitwasyon at gagawin ang lahat upang maprotektahan ang mamamayan laban sa COVID-19.