Covid 19 ‘FLiRT’ nakapasok na ng ’Pinas!

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na na-detect na sa Pilipinas ang COVID-19 subvariant KP.2, na mas kilala rin sa tawag na "FLiRT" variant.

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na na-detect na sa Pilipinas ang COVID-19 subvariant KP.2, na mas kilala rin sa tawag na “FLiRT” variant.

Ayon kay DOH Assistant Secretary Albert Domingo, ang pinakaunang deteksyon ay noong Mayo nitong taon.

Ayon sa DOH, mayroon nang dalawang kaso ng KP.2, pati na rin ng 30 kaso ng JN.1 at dalawang kaso ng JN.1.18 na naitala noong nakaraang buwan.

Gayunpaman, sinabi ng DOH na wala pa ring ebidensya na nagpapakita na ang KP.2 ay maaaring magdulot ng kritikal na kalagayan.

Sa ngayon, ang lahat ng rehiyon sa Pilipinas ay nananatiling “low risk” sa banta ng COVID-19.