Couple goals! Mag-asawang DOJ workers, nanguna sa Career Executive Service exam

Nanguna sa Career Executive Service Written Examination (CESWE) noong Disyembre 2023 ang mag-asawang empleyado ng Department of Justice (DOJ).

Nanguna sa Career Executive Service Written Examination (CESWE) noong Disyembre 2023 ang mag-asawang empleyado ng Department of Justice (DOJ).

Sa isang pahayag, sinabi ng DOJ na pinangunahan ni Luz Jordana Jose ang 268 na pumasa sa naturang pagsusulit na may 89.61% na grado. Si Jose ay isang Certified Public Accountant (CPA) at kasalukuyang Planning Officer V sa Planning Division ng DOJ.

Samantala, nag Top 10 naman ang asawa niyang si Assistant City Prosecutor Raphael Augusto Jose ng Mandaluyong Office of the City Prosecutor.

Ikinatuwa ni Justice Secretary Biyong Remulla ang balita at binati ang “power couple” ng DOJ.

“My warmest congratulations to our DOJ’s very own power couple, your success will serve as an inspiration for each and everyone to remain fearlessly determined in reaching their goals,” ani Remulla.

Ang CESWE ay isang paper and pencil test at unang stage ng CES Eligibility.