Construction worker, timbog sa buy bust sa Virac, Catanduanes

CATANDUANES – Nasamsam ng mga awtoridad sa isang construction worker ang nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu sa bayan ng Virac.

CATANDUANES – Nasamsam ng mga awtoridad sa isang construction worker ang nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu sa bayan ng Virac.

Kinilala ang salarin na si Larry Lopez, 50-anyos at residente ng Barangay Danicop na matagal na rin diumanong nagtutulak ng droga sa bayan.

Maghahating gabi nitong Miyerkules, September 13, 2023 nang ikasa ang buy bust operation ng Virac Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Catanduanes at Catanduanes Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) sa isang resto bar sa Barangay Ibong Sapa.

Bukod sa drogang nagkakahalaga ng ₱68,000, nakuha rin sa posisyon ng suspect ang isang pekeng ₱500.00 na ginamit bilang buy bust money.

Kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa sa suspek.

Samantala, ito na ang ika-siyam na operasyon kontra droga ng Virac MPS mula Enero hanggang ngayong buwan.