Congrats, pa-burger naman! 76 na bagong sanitary engineers, inanunsiyo ng PRC

Inanunsiyo na PRC nitong Setyembre 6 na 76 ang pumasa sa board exam para sa sanitary engineers, at pinangunahan sila ni Neil Spencer Roxas Almario ng Mapua University-Manila.

Inanunsiyo ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Miyerkuloes, Setyembre 6, na halos 50 porsiyento ng mga kumuha ng licensure examination para sa sanitary engineers ang nakapasa.

Ayon sa komisyon, 76 sa 162 na kumuha ng pagsusulit ang nakapasa sa ginanap na licensure exam nito lamang Agosto.

Pinangunahan ni Neil Spencer Roxas Almario ng Mapua University-Manila ang mga nakapasa sa kanyang average score na 83.80 porsiyento.

Sinundan siya ni Aizel Torchangon Salagma ng University of Baguio came na may average na 83.70 porsiyente.

Nasa ikatlong pwesto naman si Glenndel John Villantes Beringuel ng Lyceum of the Philippines-Cavite sa kanyang average na 83.50 porsiyento.

Pinaalalahanan ng PRC ang mga bagong board passers na pwede silang mag-register online mula Oktubre 13 hanggang Oktubre 16 para sa kanilang Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration.

Maaari silang magpunta sa opisyal na website ng PRC para sa mga hakbangin nito.

Ang petsa at lugar ng oathtaking ay iaanunsiyo ng PRC sa lalong madaling panahon.

Dagdag pa nito na dapat dalhin ng mga board passers ang kanilang duly accomplished na “Panunumpa ng Propesyonal,” notice of admission, dalawang passport-sized picture (may kulay at nasa white background, na may kasamang kumpletong name tag), dalawang set ng documentary stamps, at isang short brown envelope.