‘Complex’ challenge: Pilipinas, prayoridad ang kapayapaan; patuloy sa paghahanap ng solusyon sa tensyon sa West Philippine Sea—PBBM

Sa likod ng lumalalang tensyon sa West Philippine Sea bunsod ng patuloy na panggigipit ng China, tiniyak ni Pangulong Marcos na prayoridad ng Pilipinas ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

Bagaman biktima ng mga agresibong taktika ng China sa West Philippine Sea, iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na prayoridad ng foreign policy ng Pilipinas ang panatilihin ang kapayaapan at sumunod sa mga batas.

“I’m afraid we’ll have to be able to say that tensions have increased rather than diminished for the past months or the past years and that’s why we have to—but we continue to counsel peace and continue communication between the different countries—everyone that is involved,” paliwanag ni Marcos sa isang panayam sa mga mamamahayag ng Japan.

BASAHIN RIN: Nawa’y may kahihinatnan ito: Pilipinas, naghain muli ng diplomatic protest matapos ang dalawang insidente sa West Philippine Sea

Ayon pa sa pangulo, ang sitwasyon sa West Philippine Sea at sa South China ay isa sa “most complex geopolitical challenge” na kinakaharap ng mundo ngayon—at kakailanganin nito ng mga bagong solusyon.

Ani Marcos, bukas ang Pilipinas sa paghahanap ng mga “new solutions” upang matigil ang tensiyon sa rehiyon.

“I cannot say that we have found the answer yet. We are still trying to formulate that answer as we speak. And things are moving very quickly in many parts of the China Sea and so there are changes in terms of approaches,” aniya.

BASAHIN RIN: Isyu sa West Philippine Sea, kasama sa tatalakayin: PBBM, dadalo sa ika-50 anibersaryo ng ASEAN-Japan Commemorative Summit