Community service, iparusa sa mga nagkakalat! – Abalos

Nais ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na gawing parusa ang community service para sa mga mahuhuling nagkakalat.

Nais ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na gawing parusa ang community service para sa mga mahuhuling nagkakalat.

Ayon kay Abalos, mas magiging epektibo ito sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga komunidad bilang bahagi ng Kalinisan Project ni Pangulong Marcos.

“Para sa mga nagtatapon ng basura, I am urging the city council na magkaroon tayo ng ordinansa. Pagwalisin mo siya, paglinisin mo ng kanal kahit isang oras lang — para matuto,” wika ng Kalihim.

Noong Sabado, pinangunahan ni Abalos ang isang cleanup drive sa Mandaluyong CIty na kilalang balwarte ng kanyang pamilya.

Dito ay hinimok niya ang ibang local government units na gawing modelo ang Mandaluyong City na aniya’y nagsasagawa ng cleanup drive tuwing Sabado sa nakalipas na 20 taon.