Committee on Inflation: Pataasin ang supply ng mga pangunahing bilihin, demand management para bumagal ang antas ng inflation sa bansa

Mahalaga ang pagpapataas ng supply ng mga pangunahing bilihin at pangasiwaan ang demand nito para bumagal pa ang inflation sa bansa, ayon sa isang inter-agency committee.

Binigyang diin ng isang kumite na nagbabantay sa antas ng inflation sa bansa ang kahalagahan ng pagpapataas ng supply ng mga pangunahing bilihin, at pangangasiwa sa demand nito.

Ayon sa Inter-agency Committee on Inflation and Market Outlook (IAC-IMO), na pinamumunuan ng Department of Finance (DOF) at National Economic and Development Authority (NEDA), nakatutok ang kanilang grupo sa mga programa ng gobyerno na maghihikayat na pataasin ang supply ng mga pangunahing bilihin upang pababain ang antas ng inflation.

Isa rin sa mga pangunahing layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtutok sa food security bilang tumatayong kalihim ng Department of Agriculture.

“This entails taking advantage of economies of scale in production, increasing infrastructure in the agriculture sector, and providing extended financing to micro, small and medium enterprises (MSMEs), farmers, and fisherfolks,” ani Finance Secretary Benjamin Diokno.

Para pagandahin ang production efficiency ng mga magsasaka at mangingisda, nakikita ng gobyerno ang kahalagahan ng paggamit ng modernong teknolohiya at karagdagang imprastraktura na tutulong sa paglago ng prosesong pang-agrikultura tulad ng mga farm-to-market roads, paliwanag pa ng opisyal.

“Transforming the country’s agriculture sector into an engine of sustainable and inclusive growth is no easy feat. It will require the combined strengths, insights, and resources of the public and private sectors,” ani Diokno.